-- Advertisements --
DILG SEC BENJAMIN ABALOS JR.

Binigyang-diin ng Department of the Interior and Local Government na tanging “rekomendasyon” pa lamang ang mga napabalitang panibagong balasahan sa hanay ng matataas na opisyal na Pambansang Pulisya.

Ito ay kasunod ng ilang reports na nagpatupad ng rigodon si PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr. sa ilang mga heneral ng Pambansang Pulisya na kinasasangkutan ng mga pangunahing opisyal ng naturang organisasyon kung saan ang mga heneral ng pulisya ay inirerekomenda para sa mga pangunaghing posisyon kabilang na si National Capital Region Police Office chief PMGEN Edgar Alan Okubo.

Sa isang pahayag ay iginiit ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na ang naturang reassignment sa mga opisyal ng PNP ay rekomendasyon pa lamang at napapailalim sa pag-apruba ing National Police Commission at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Paliwanag ng kalihim, ang listahan ng mga napiling opisyal ay isusunite sa NAPOLCOM para sa confirmation atsaka dadalhin sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang approval bilang bahagi ng prosesong kanilang sinusunod.

Kaugnay nito ay ipinunto rin ni Abalos ang Sec. 6, subsection 3, paragraph f ng NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2019-001 na nagsasaad na ang mga assignment o designation sa mga concerned positions sa Pambansang Pulisya ay kinakailangang isumite muna sa Komisyon para sa confirmation bago isumite tanggapan ng Pangulo para sa approval.

Samantala, kasabay nito ay tiniyak naman ng NAPOLCOM na ang civilian control nito sa pulisya ay hallowed principle ng kanilang pangunahing batas kasabay ng pagbibigay diin na sisiguraduhin nitong gagampanan ng NAPOLCOM ang kanilang tungkulin na pangasiwaan at pahusayin pa ang administrasyon ng PNP.