-- Advertisements --
Screenshot 2020 05 09 13 15 04

KORONADAL CITY – Nagsagawa na ng fact-finding investigation ang Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa usapin ng paghahati-hati umano ng special amelioration program (SAP) financial assistance sa isang barangay sa lungsod ng Koronadal.

Ito’y matapos umabot sa kanilang kaalaman ang nasabing isyu nang ibinunyag ng ilang mga reklamante sa Brgy. General Paulino Santos na nakakatanggap umano ng P2,500 na halaga ng ayuda sa halip na P5,000.

Una nang nagbabala si DILG Sec. Eduardo Año na may karampatang parusa para sa sinumang mga barangay o LGU officials na mangungurakot ng pera mula sa kaban ng bayan.

Matatandaang dumepensa si Brgy. GPS Kapitan Margarita Subaldo mula sa nasabing akusasyon at nakahanda umano itong harapin ang anumang reklamo kaugnay sa nasabing isyu.