-- Advertisements --

Pinalaalahana ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units na dapat ay magtipid sa mga pagbili at paggamit ng mga luxury vehicles.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na dapat ay laging isaisip ng mga provincial governors, city/municipal mayors, punong barangays at Sangguniang members ang mahigpit ang gobyerno na pagsunod sa budgetary, auditing laws, regulations at auditing standards.

Hindi lamang bukod sa mura at nararapat ay matipid din sa gasolina ang mga sasakyan na bibilihin ng mga opisyal ng gobyerno.

Nakasaad din sa kaniyang DILG Memorandum Circular (MC) 2022-105 na hinikayat nila ang mga LGU na kung maari ang mga bibilihin na sasakyan ay maaaring gumamit ng mga flexi-fuels, natural gas, biofuels at solar-powered.