-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang mga opisyal pati na rin ang publiko laban sa mga sindikato na nagpapanggap na empleyado ng naturang ahensya.

Ayon kay DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya, sunod-sunod ang kanilang natatanggap na reports mula sa mga regional at field offices tungkol sa mga text messages at tawag mula sa mga kahina-hinalang tao.

Nagpapanggap daw ang mga ito na senior officials ng DILG at nangingikil ng pera kapalit ng umano’y ayuda.

Kahit daw ang pangalan ni Malaya ay ilang bese ng ginamit ang pangalan para makapanloko.

Paalala nito na kailanman ay hindi nanghihingi ng pera ang ahensya sa kahit sinong alklade, vice mayor o kapitan kapalit ng serrbisyo publiko.

Kwento pa ni Malaya, personal daw itong naranasan ni Tuburan, Cebu Mayor Danilo Diamante.

Humingi raw ang caller kay Diamante ng pera na gagamitin para ipambayad sa shipping fee ng 1,500 kaban ng bigas na ipamimigay naman sa naturang syudad.

Naka-alerto naman ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group hinggil sa naturang isyu.

Paalala ni Malaya, dapat maging maingat ang publiko sa mga ganitong sindikato. Kung maaari aniya ay iberipika muna ng mga ito sa DILG sa oras na may kahina-hinalang tao na lalapit sa kanila at magpapakilalang empleyado ng ahensya.