-- Advertisements --

Itinanggi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na mayroon ng lumabas na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Christopher ‘Bong’ Go at dating dalawang police.

Ayon sa Kalihim na wala pang natatanggap ang mga otoridad na mga dokumento mula sa ICC laban sa Senador at mga kapulisan.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagbubunyag ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte sa kaniyang social media na mayroon itong reliable source na may lumabas ng ICC warrants laban kay Go at mga kapulisan.

Kinuwestiyon din ni Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ginagamit ang ICC laban sa kanilang mga kalaban sa pulitika.

Giit naman ni Remulla na kaniyang nakausap si Justice Secretary Fredderick Vida at sinabi nitong wala pa silang natanggap na anumang dokumento.

Maging aniya ang mga Philippine Natioal Police ay walang natanggap ng anumang dokumento ukol sa ICC warrants.

Magugunitang unang nailabas na ang warrant of arrest laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa pagkakasangkot nila sa madugong war-on-drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.