Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Department of Interior and Local Government (DILG) na maging bukas sa suhestyong ibahagi sa ibang local government units (LGUs) ang ilang sa kanilang mga trabaho.
Ayon sa senador, inaasahan umano nila na bababa ang revenue ng lower government sa susunod na taon dahil bukod sa COVID-19 pandemic na naging rason sa pagkakadapa ng ekonomiya ng Pilipinas ay mayroon ding panukala na naglalayong bawasan ang corporate income tax rates sa bansa .
Ginawa nitong halimbawa ang mga kulungan, aniya may sapat na kakayahan naman ang bawat syudad at munisipalidad na pangasiwaan ang kanilang penitentiaries kaysa bigyan ang gobyerno ng hiwalay na budget para ayusin ang correctional facilities.
Hindi raw prayoridad ngayon ng gobyerno ang pag-aayos ng mga kulungan.
Dagdag pa ng senate minority leader, ang tanging paraan lang upang i-decongest ang mga kulungan sa bansa ay kung hahayaan na tumulong dito ang LGUs dahil sapat ang kanilang budget sa nabanggit na paksa.
Maging ang pangangasiwa sa mga fire stations at services ay dapat na rin daw i-turnover sa local government.
Mayroon daw kasing inilaan ang internal revenue na P1.83 trillion para sa mga LGUs sa taong 2021.