-- Advertisements --

Inatasan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang PNP at mga civilian authorities na palakasin ang kanilang monitoring at pagbabantay hinggil sa pagkalat ng mga pekeng Pfizer coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine sa Pilipinas ng sa gayon hindi malagay sa alanganin ang buhay ng mga kababayan natin.

Sinabi ni Año mayruon kasing global medical product alert na nilabas yung WHO last month at ito ay tungkol sa isang fake na vaccine mula sa Pfizer Biontech at ang pangalan nito ay BNT162B2 at ito ay nadiscover na sa Mexico dahilan para maglabas ng babala ang Pilipinas.

Binigyang-diin ng kalihim na sa ngayon wala pang namomonitor dito sa bansa kaya nararapat lamang na mag ingat bago pa maging huli ang lahat.

Aniya, dapat maging maingat ang publiko hinggil dito.

Paalala ng kalihim na magpa bakuna sa mga authorized vaccine sites.