Manila South Cemetery
IMAGE | Manila South Cemetery/Christian Yosores

Pinasisiguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan at attached agencies nito na ligtas at maayos na magugunita ng mga kababayan ang Araw ng mga Patay at Kaluluwa ngayong weekend.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año nagsimula ng kumilos ang kanilang hanay, kasama ang local government units (LGUs), para matiyak na maayos na makakabiyahe ang mga uuwi sa probinsya at mga magu-Undas sa kanilang mga tahanan.

“Ang Undas naman ay taunang paggunita sa ating mga namayapang kaanak kaya tinitiyak naming ilang linggo pa lamang bago ang araw na ito ay may plano na para sa seguridad ng mga tao,” banggit ng kalihim.

Inatasan ng DILG ang LGUs na malapit sa mga sementeryo na mag-deploy ng barangay officials at medical team bilang tulong.

Nagpaalala rin ito hinggil sa kalinisan ng mga sementeryo.

“Nakakabahala na tone-toneladang basura ang naiiwan matapos ang Araw ng mga Patay. To the LGUs, please be creative in addressing the cleanliness. Sa ating mga kababayan, konting disiplina lang po sana, huwag nating gawing basurahan ang ating mga sementeryo.”

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2019-174, pinaaalalahanan ang lahat ng LGU na mag-maniobra sa pagiging ligtas at payapa ng Undas.

“Unfortunately, criminals can take advantage of this time of the year, kaya kailangan paghandaan ang seguridad.”