-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagkamatayn noong Enero 2, araw ng Sabado, ni National Police Commission (NAPOLCOM) vice chairman at executive officer Rogelio Casurao.

Inilarawan ni Secretary Eduardo Año si Casurao bilang isa sa mga personalidad na nag-iwan ng magdang marka sa serbisyo ng gobyerno.

Lalong lalo na aniya ang ginawa nitomng development at pagbabago sa mga kalalakihan at kababaihan ng Philippine National Police (PNP) na maging professional, disiplinado at maging ethical public servants.

Pinangunahan din nito ang adjudication ng mga reklamo na inihain sa mga pulis na nagresulta sa pagkakatanggal sa pwesto ng nasa 177 pulis, suspension ng 71 at demotion naman ng 199 otoridad noong nakraang taon.

Binantayan din ng NAPOLCOM ang di-umano’y pagkakadawit ng 442 police officers sa iligal na mga aktibidad, krimen, human rights violations at iba pang uri ng tiwaling gawain.

Malaki rin umano ang naitulong ni Casurao sa ipinatupad ng NAPOLCOM na suspensyon sa mga deputation authority ng walong gobernador at 184 alkalde na bigong magdesisyon at kumilos para sa kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.