Walong rehiyon sa bansa ang matagumpay na nakapag-activate ng kani-kanilang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs), ayon sa Departmeng of Interior and Local Government (DILG).
Batay sa datos ng ahensya, mayroon nang kabuuang 39,347 activated BHERTs nationwide, as of August.
Kabilang sa mga 100% na aktibong nago-operate ngayon ang barangay health emergency teams ng Bicol (3,471), Ilocos region (3,267); Cagayan region (2,311); Zamboanga Peninsula (1,904); National Capital Region (1,709); Soccsksargen (1,195); Cordillera Administrative Region (1,176); at Davao region (1,162).
Pinakamababang porsyento ng BHERT activation sa MIMAROPA na nasa 53% lang (770 barangays). Habang ang mga natitirang rehiyon ay nasa higit 90%:
-Central Luzon (99.41% – 3,084)
-Northern Mindanao (99.60% – 2,014)
-Bangsamoro Region (99% – 2,581)
-Eastern Visayas (93.87% – 4,121)
-Caraga (90.47% – 1,186)
Batay sa 2018 data ng Philippine Statistics Authority, mayroong 42,044 total na bilang ng barangay sa bansa.
Ayon kay Interior Usec. Jonathan Malaya, patuloy pa nilang kinakalap ang mga datos ukol sa BHERT activation ng mga barangay.
“We are a large country and sometimes the reporting gets delayed. MIMAROPA is a lot of island communities so we have not yet been able to receive reports in some areas. Will contact them.”
“Now as to why the other barangays were not able to organize their BHERTs, that’s what we’re going to do now. We’ll try to get the latest data and I expect that once we have, if not 100%, at least 99% of all barangays have organized their BHERTs.”
Binigyang diin ng opisyal na kritikal ang papel ng BHERTs na siyang nasa frontline ng COVID-19 response sa komunidad. Kaya naman daw kinikilala rin ng DILG ang apela ng Department of Health na bigyan ng dagdag na supply ng protective gears ang mga kawani.
“Itong mga BHERTs are expected to provide the community with health promotion and education and ensure the implementation of minimum health standards, kasama na yung pagtulong nila sa contact tracing, daily monitoring of close contacts under home quarantine and providing first line response to patients in the community.”
Aminado si Malaya na may ilang barangay na kinakapos sa responde dahil sa kulang na gamit at suporta, kaya naman nakipagusap na sila sa National Barangay Operations Office para sa “re-tooling” ng mga BHERTs.
“May mga LGUs na very supportive sa health system, may ibang mga may pagkukulang. And if the LGU has that kind of system that is reflected also in the BHERTs.”