-- Advertisements --

Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Chief nitong Lunes na nais niyang ipagbawal ang mga paputok na nagdudulot ng pinsala sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon DILG Secretary Benhur Abalos, dapat magpasa ang mga local government unit ng mga ordinansa na magbabawal ng paputok sa mga tahanan at iba pang lugar.

Hinimok din niya ang mga local government units na i-sponsor ang community viewing ng fireworks displays.

Matatandaan na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 28 na nagbabawal ng paputok sa mga kabahayan o sa ibang lugar sa buong bansa. Ang mga fireworks display ng komunidad lamang na pinangangasiwaan ng mga lisensyadong indibidwal ang pinapayagan.

Nagpaalala naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa mga tahanan sa Metro Manila.

Sinabi naman ni MMDA Acting Chairman Don Artes na nagpasa ang Metro Manila Council ng resolusyon na nagbabawal sa paggamit ng paputok sa mga tahanan at lansangan.

Sinabi ng opisyal na nakahanda ang Bureau of Fire Protection na tumugon sakaling magkaroon ng sunog dahil sa paputok ngayong holiday season.

Samantala, nakakapagtala rin ang Department of Health ng patuloy na pagbawas sa mga pinsalang may kinalaman sa paputok dahil sa limitadong pagbabawal sa mga paputok na ipinataw noon ng administrasyong Duterte.