Nagbabala si Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos ng pagsasagawa ng drug tests sa mga bilangguan na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa command visit ni Abalos sa BJMP National headquarters, ginawa ng opisyal ang naturang babala kaugnay sa reports na mga big-time drug lords na nag-ooperate umano sa loob ng mga kulungan.
Inihayag nito na ipag-uutos niya ang pagsasagwa ng urinalysis sa mga kulungan kasabay ng pagbabala sa bawat BJMP warden at personnel na sakaling may magpositibo ay nangangahulugan na may nakapasok na iligal na droga sa jail facilities.
Sinabi ni Abalos na ang drug lords na nag-ooperate sa loob ng mga bilangguan ay mayroong komunikasyon at contacts sa labas kung kayat inirekomenda nito ang paggamit ng signal jammers upang matigil ang kanilang komunikasyon.
Plano din ni Abalos ang pagsasagawa ng medical screening at physical exams bago ang admission ng mga preso para maiwasan ang hawaan ng diseases sa mga congested cells.
Inirekomenda din ni Abalos ang pagbalangkas ng memorandum circular para mapigilan at matugunna ng BJMP ang anumang may kinalaman sa Monkeypox virus.
Sa datos ng BJMP, nasa kabuuang 131,193 PDLs ang nasa 477 jails sa buong bansa.
Ipinanukala ni Abalos na dapat na gumawa ng solusyon ang BJMP para matugunan ang jail congestion.