Digitalization plan, isang paraan upang maiwasan ang congestion at illegal fixers sa Matnog Port – Anti-Red Tape Authority
Loops: ARTA / Matnog Port / mga pantalan / mga pasahero sa pantalan / ARTA Sec. Ernesto Perez
Inaasahang maaalis sa ilalim ng digitalization plan na ipinatupad ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at ng lokal na pamahalaan ang vehicular congestion at illegal fixers sa loob at paligid ng Matnog Port.
Magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Matnog at ARTA ng joint memorandum circular (JMC) na tutugon sa congestion at illegal fixers sa Matnog Port.
Ayon kay ARTA Secretary Ernesto V. Perez, kapag ganap nang naipatupad, ang joint memorandum circular ay makikinabang hindi lamang sa logistic sector, kundi sa lahat ng mga Pilipino.
Aniya, ang streamlining at digitalization approach ng joint memorandum circular ay ibinibigay ng Ease of Doing Business Law.
Sa ilalim nito, isang one-stop shop (OSS) ang itatatag upang magbigay ng online portal para sa ticket reservation at isang bes na pagbabayad bago ang kanilang pagdating sa daungan.
Ang tiket na ito ay kasama ang lahat ng nauugnay na bayarin tulad ng Roll-on/Roll-off o RORO terminal fee, passenger terminal building fee, at iba pang nauugnay na proseso sa mga pantalan.