ILOILO CITY – Naging matagumpay ang selebrasyon ng digital Dinagyang 2021 sa Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na tumanggap ng positibong reaksyon at papuri ang digital presentation ng festival na may temang “One Dinagyang, One Iloilo, Halad kay Señor Sto. Niño.”

Naging higlight ang performances ng mga tribu na kumakatawan sa pitong distrito sa lungsod.

Ayon kay Treñas, nagpapatunay ito ng katatagan ng mga Ilonggo sa gitna ng kinakaharap na coronavirus pandemic .

Gayunman, sinasabing hindi naipatupad ang health protocol lalo na ang physical distancing.

Bumuhos kasi ang mga tao sa isinagawang awarding ceremony kung saan maging ang mga otoridad ay inaming nahirapan sa pagkontrol sa mga tao.