Iniulat ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na magsisimula na ang eksperimento sa wholesale central bank digital currency (CBDC) sa fourth quarter.
Ang CBDC ay isang digital na anyo ng fiat currency ng central bank.
Maaring mapabuti ng CBDC ang mga paglilipat ng pondo sa pagitan ng mga bangko at mga non-bank financial institutions.
Ang eksperimentong itong ay nagpapahiwatig ng lumalagong pagtanggap ng blockchain technology sa pananalapi na posibleng humantong sa paglulunsad ng CBDC sa maikling panahon.
Ginagamit nito ang parehong teknolohiya ng blockchain na ginamit upang mag-isyu at subaybayan ang mga cryptocurrencies tulad ng Bitcoin at Ethereum.
Ang pangunahing pagkakaiba ay hindi katulad ng mga cryptocurrencies na iyon ang mga CBDC ay sinusuportahan ng kani-kanilang mga central banks at governments.
Samantala, ang mga cryptocurrencies ay idinisenyo upang maging desentralisado nang walang awtoridad na nagre-regulate.
Ang BSP sa ilalim ni Diokno ay nagsusulong ng mga digital advancements alinsunod sa layunin nitong gawing digital ang 50 porsyento ng mga pagbabayad sa 2023.
Napag-alaman na sa pagtatapos ng Marso ang BSP ay nagrehistro ng 19 Virtual Asset Service Provider (VASPS) na nagpapahintulot sa mga Pilipino na makipagpalitan at mag-trade ng mga virtual asset tulad ng cryptocurrencies at Non Fungible Tokens (NFTs).
Anim na digital na bangko ang nabigyan din ng mga lisensya para mag-operate at palawakin ang financial inclusivity sa bansa.
Sa kasalukuyan, kasama sa retail payment system ang InstaPay at PESONet online fund transfers.
Noong Oktubre 2021, sinabi ng BSP na isa sa limang pagbabayad ay digital na.