-- Advertisements --
OFW Myanmar airport

Tiniyak ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) na magagamit ng maayos ang kanilang itatayong digital command center para sa lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Nakatakda kasing magtayo ng isang digital command center ang DMW para matutukan ang sitwasyon ng mga OFW sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople, nilagdaan na nila ang Memorandum of Understanding sa pagitan nila at ng International Organization for Migration.

Kasama ni Ople sa paglagda ng Memorandum of Understanding ang Deputy Director General ng international Organization for Migration na si Amy Pope.

Ayon kay Ople, magsisilbing internal repository ng mga datos ang itatayong digital command center ng real time situations sa mga bansang may nakabse na OFWs.