-- Advertisements --

Extended hanggang Disyembre ngayong taon ang validity ng RapidPass QR codes para sa mga healthcare workers at iba pang manggagawa mula sa essential industries ng COVID-19, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa isang advisory, sinabi ng DICT na nasa kamay ng Inter-Agency Task Force kung paiikliin o ipapawalang bisa ng mas maaga ang validity ng nasabing sistema.

“RapidPass QR codes that are valid until June 30, 2020 will have their validity extended until December 31, 2020, unless otherwise revoked by a subsequent issuance from the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) or the agency concerned,” batay  sa advisory.

Abiso ng ahensya, otomatiko nang extended ang validity ng mga RapidPass makatanggap man o hindi ng text message o e-mail ang mga nito.

Kung maaalala, inilunsad ng IATF ang RapidPass noong Abril para sa mas mabilis na paglusot sa checkpoints ng frontliners, tulad ng mga healthcare workers, pulis at sundalo, food delivery services at media personnel.