-- Advertisements --
Patuloy ang paglalagay ng Department of Information and Communications Technology ng mga internet access sa mga liblib na lugar sa bansa.
Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na mayroon 2,000 na lugar na kanilang nakatakdang lagyan ng libreng public wifi.
Layon nito na mabigyan ng internet
connectivity ang mas maraming mga Filipino.
Target nila ngayong taon na magkaroon ng 15,000 free wifi access point ngayong taon at dagdag na 25,000 sa susunod na taon.