-- Advertisements --
DICTuy1

Iimbestigahan na rin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang umano’y data breach na kinabibilangan ng mahigit 1.2 milyong talaan ng mga law enforcement agencies sa bansa.

Ang ahensya ng gobyerno ay nagsabi na ang Cyber Security Bureau at National Computer Emergency Response Team (NCERT) ay nagdoble sa pagsisiyasat nito sa nasabing data leaked.

Itinuturing ng DICT ang insidente bilang isang matinding alalahanin na nagbabanta sa pagiging confidential integrity, at privacy ng data ng user.

Tinitiyak ng departamento sa publiko na ang pagsisiyasat sa usapin ay masusing isinasagawa.

Nanawagan din ang ang naturang departamento sa lahat ng ahensya ng gobyerno na makipag-ugnayan sa ahensya sa pagpapalakas ng kanilang cybersecurity measures.

Kung matatandaan, isang hindi protektadong database na naglalaman ng humigit-kumulang 1.28 milyong mga dokumento ng pagkakakilanlan at pribadong talaan ng mga tauhan at aplikante ng Philippine National Police (PNP) ay nalantad online at natuklasan ng cybersecurity tracker vpnMentor noong kalagitnaan ng Enero.

Sinabi ng Cybersecurity researcher na si Jeremiah Fowler na agad niyang ipinaalam sa mga awtoridad ang tungkol sa di-umano’y napakalaking data leak ngunit hanggang sa ikalawang linggo ng Marso nang ang pampublikong access sa database ay inalis.

Ayon sa DICT, sinimulan ng National Computer Emergency Response Team (NCERT) ang imbestigasyon sa umano’y data breach matapos makatanggap ng mga link sa isang Azure Blob Storage na naglalaman ng mga sample na larawan ng mga identification card, at PNP at National Bureau of Investigation (NBI) clearance mula sa isa pang cybersecurity researcher.