Pinuna ni Sen. Panfilo Lacson ang kontrobersyal na pahayag ng kaniyang kaibigan at dating kasamahan sa Senado na si DICT Sec. Gringgo Honasan na hindi naman lubhang masama ang serbisyo ng telco ngayon sa Pilipinas.
Ayon kay Lacson, ang statement na ito ni Honasan ay kasing kahulugan din ng salitang hindi maayos na serbisyo ng telecommunication companies.
Giit ng mambabatas, sa panahon ng pandemic na pangunahing ginagamit ang internet sa virtual communications, hindi sapat ang “pwede na,” sa halip ay kinakailangan ng publiko ng higit pa ritong kalidad ng online connection.
“With all due respect to a highly regarded Cavalier and distinguished former Senate colleague, “not so bad” may sound worse than “not so good.” In the middle of a pandemic when the order of the day is virtual communication, what we want to hear, at least realistically, is “good enough.” Of course, it goes without saying, “very good” or even “excellent” is what we all want to hear from DICT. Clearly, there is much room for improvement,” wika ni Lacson.
Sina Honasan at Lacson ay dating magkasama sa binansagang “macho bloc” ng Senado.