-- Advertisements --
Patuloy na ina askyunan ng Department of Information and Communications Technology ang mga kaso ng cyber attack sa bansa.
Sa datos ng ahensya, nasa 1, 834 na cyber incidents na ang naaksyunan nila sa pamamagitan ng Cybersecurity Bureau-National Computer Emergency Response Team (NCERT) at tuloy-tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang mga hakbang para mapigilan na ito.
Ang nabanggit na bilang ay mas mataas ng 66.44% kumpara sa 1,129 na insidente noong taong 2022.
Samantala, nakahanda na rin ang National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 na naka sentro naman sa 3 strategic outcines kabilang ang pagpapaigting ng cybersecurity policy framework, at pagpapataas ng cybersecurity workforce capabilities.