-- Advertisements --
Iminungkahi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalabas ng digital version ng Naitonal ID habang hindi pa natatapos ang printing ng mga cards.
Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na ang digital ID ay ginagamit na halos ng karamihan dahil ito ay madaling dalhin kumpara sa mga cards.
Dagdag pa nito na imbes na hintayin ng nasabing card version ay maari namang magamit ang digital version na ito ay maibeberipika sa pamamagitan ng app o data base.
Magugunitang unang sinabi ng Philippine Statistics Authority na mayroong mahigit 50.01 milyon na Filipino ang kumuha ng kanilang PhilSys cards pero nitong Hunyo lamang ay mayroong 14.3 milyon cards ang kanilang naipamahagi.