-- Advertisements --

Dumepensa si Department of Information and Communications (DICT) Secretary John Ivan Uy sa puna ng mambabatas ng “underutilization” ng budget nila.

Sinabi ng kalihim na karamihan kasi sa mga programa ng DICT ay nakalaan sa second phase ng proyekto kasama na dito ang procurement process at ang first phase naman ay ang preparatory work.

Nangako ang opisyal na sa susunod na taon ay magiging maayos na ang paggamit nila ng pondo para sa mga proyekto ng ahensiya.

Magugunitang pinuna ni House Committee on Appropriations Chair ELizaldy Co ang DICT na mabagal ang kanilang paggasta at pagpapatupad ng mga proyekto.

Isa ng tinukoy dito ng opisyal ay ang proyekto ng National Broadband plan at ang Free Public Internet Access Fund.