-- Advertisements --
drugs diaper cdo

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap na sa kaso ang driver/agent ng diaper products na nahuling nagpuslit ng iligal na droga sa isang quarantine control point sa Opol, Misamis Oriental kahapon.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang isinampa laban sa suspek na si Junnel Lorenzo, 35, residente ng Barangay Bugo sa lungsod.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police spokesperson Major Ivan Viñas, narekober sa kulay puting multicab na minamaneho ng suspek ang 177 grams sa pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,196,800.

Maliban sa tatlong malalaking sachet ng shabu, narekober din ng mga pulis ang mga diaper na ibebenta sana ng suspek.

Napag-alaman na matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang iligal na aktibidad ni Lorenzo.