-- Advertisements --
image 307

Isang indibidwal na pinangalanang “Diablox Phantom” ang umako ng responsibilidad sa pag-hack ng mga website ng ilang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas.

Sinabi ng Diablox Phantom na na-hack nila ang mga website ng Philippine National Police, Philippine Statistics Authority, at Department of Science and Technology.

Ayon sa nasabing hacker, passion niya lamang umano ang mang-hack at walang nagtutulak sa kanya na gawin ang aktibidad.

Aniya, ang kanyang gamit ay open source intelligence at manu-mano ang kanyang ginagawang pagkalkal ng mga directories.

Matatandaan na sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary for Legal Affairs Renato Paraiso na alam ng ahensya ang Diablox Phantom, at sinisiyasat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang pagkakakilanlan at mga claim ng hacker.

Nauna nang binigyang ng DICT na maaaring mayroong inside job na sangkot sa insidente ng pag-hack ng PSA dahil ang apektadong community-based monitoring system ay internal lamang na naa-access.