ROXAS CITY – Imbitado sa isang conference sa Texas, USA, ang isang Capizeño na nagsagawa ng research sa asthma weed o mas kilala sa “tawa-tawa” na pinaniniwalaang gamot sa sakit na diabetes.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Dr. Reynand Dumala-on ng Barangay Matinabus, Sigma, Capiz, nagtuturo ng Physics sa Sir Herbert Leon Academy, Milton Keynes, England, nagsagawa ito ng research para sa posibleng gamot na makakapagpababa ng blood sugar ng isang tao na may diabetes.
Nagsilbing instrumento sa kanyang pag-aaral ang white mice dahil magkapareho raw ang metabolism nito sa tao.
Lumalabas sa research ni Dr. Dumalaon na epektibo ang dahon ng tawa-tawa dahil may taglay itong anti oxidants na nagpapababa ng blood sugar.
Dahil sa magandang epekto ng tawa-tawa leaves, ibinahagi nito ang kanyang research sa mga nakilalang mga guro, medical staff at scientists sa Estados Unidos, kung saan una siyang nagturo sa isang paaralan sa South Carolina.
Naging interesado naman ang isang institution sa research na may kinalaman sa diabetes, daan upang imbitahan si Dr. Dumala-on ng Innovinc International na dumalo sa 2020 Nursing and Healthcare Conference sa Houston, Texas.
Magkakaroon ng 20 minute presentation si Dumala-on s kanyang research sa harap ng mga partisipante na kinabibilangan ng mga healthcare professionals, pharmacists, phamaceutical at medical companies, scientist at iba pang bisita.