DIA DE ZAMBOANGA
Dia Zamboanga

Zamboanga City – Tuloy pa rin ang gagawing mga aktibidad ng lungsod ng Zamboanga para sa nalalapit na 83rd Charter Day Anniversary or kilala sa tawag na Dia De Zamboanga.

Kasunod ito ng mga pagkansela ng mga aktibidad ng mga kalapit na lalawigan kagaya ng Zamboanga Sibugay para sa Araw ng Sibugay at Pakarajaan festival ng Basilan.

Ayon kay Mayor Beng Climaco-Salazar, wala umano siyang nakikitang rason para suspendihin ang ibat-ibang aktibidad ng nasabing celebrasyon dahil ang lungsod ay wala pang naiulat na mayrong resperatory disease na sanhi ng COVID-19.

Samantala sinabi ni PCOO Secreatary Martin Andanar, na hindi kailangan na kanselahin ang mga local activities at events lang dahil umano sa COVID-19, pero dapat parin sundin ang implementation ng mga health protocol na binigay ng Department of Health.