Tiniyak ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo na pinaiimbestigahan na sa Kamara ang hindi pag-remit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa gobyerno ng kanilang tamang kita.
Sa kanyang inihaing resolusyon, pinaiimbestigahan ni Castelo sa House committee on good government and public accountability ang aniya’y mahigit P8 billion na hindi naire-remit ng PCSO sa national treasury.
Basehan dito nito Castelo ang Commission o Audit report mula 1994 hanggang noong 2016 kung saan natukoy na ang PCSO ay kumita ng P16.58 billion.
Iginiit nito na kailangan magbayad ng PCSO sa gobyerno ng nasa P8.42 billion, salig na rin sa Republic Act 7656 na nagsasabing kailangan mag-remit sa pamahalaan ang isang Government-Owned and Controlled Corporations ng 50 porsiyento ng kanilang kita kada taon.
Binigyan-diin din ng kongresista na kailangan managot ang nasa likod nito.