-- Advertisements --

Tiniyak ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon na hindi nila minamaliit ang natatanggap na death threat ng isa sa mga resource person sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y overpriced na pagbili ng personal protective equipment (PPE).

Ayon kay Gordon, nagtalaga na sila ng mga tauhan ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) para paigtingin ang pagbabantay sa kinaroroonan ni Ong.

Una rito, inamin ng Pharmally official na inulan na siya ng mga banta sa buhay, mula nang magsalita sa Senado.

Payo naman ni Sen. Ronald dela Rosa na huwag magpa-apekto sa mga ganitong death threat dahil baka gusto lang ng ilan na sirain ang focus niya sa dinadaluhang hearing.

“Mr. Chairman, ang dami na po nadadamay dito sa nangyari sa amin. Natatakot na po ako,” wika ni Ong.

-- Advertisement --