Alec baldwin halyna Hutchins
Director of photography Halyna Hutchins
-- Advertisements --
actor alec baldwin
Hollywood actor Alec Baldwin

Nagsumite na ng kanyang affidavit ang veteran Hollywood actor na si Alec Baldwin upang ipaliwanag ang aksidente sa pagkapatay niya sa kanilang director of photography na si Halyna Hutchins habang sugatan naman ang movie director.

Una rito batay sa search warrant ng Santa Fe County Sheriff’s Office, binigyan umano ng tatlong mga prop gun si Baldwin ng kanilang assistant director David Halls.

Ito umano ay ipinatong sa lalagyan ng kanilang armorer.

Dito binigyan si Baldwin ng senyales ng kanilang assistant director na “cold gun” sabay bigay sa kanya ng baril.

Ang ibig daw sabihin ng “cold gun” ay wala itong live bullets.

-- Advertisement --
Alec baldwin halyna Hutchins
Director of photography Halyna Hutchins

Subalit nang iputok ito ni Baldwin tinamaan si Halyna sa dibdib habang ang director naman ay nasa likod niya na si Joel Souza na tinamaan sa balikat na noong panahon ‘yon ay nagsasagawa ng rehearsal sa pelikula nilang “Rust.”

Batay pa sa affidavit, hindi naman daw alam ng assistant director na may lamang live bullet ang baril nang kanya itong ibigay kay Baldwin.

Samantala sinusuri na rin ng mga otoridad ang narekober na baril at iba pang ginagamit sa movie sets pati na ang mga bala, cameras, computer equipment at mga damit na suot-sout ng mga actor nang mangyari ang nakakagulat na insidente.