Sinita ni Energy Regulatory Commission (ERC) chairman Agnes Devenadera ang Panay Electric Company (PECO).
Ito ay matapos na palabasin ng PECO na pinahintulutan ng ERC ang ipinatawag nitong press conference kamakailan sa Makati City.
Binigyan diin ni Devenadera na labas ang ERC sa naging hakbang ng PECO at nanatiling independent ang ahensya sa pagresolba sa mga kasong kinakaharap ng naturang ahensya.
“The ERC distanced itself from th PECO-ERC Press Conference which was conducted on November 14, 2019,” saad ni Devenadera.
“Premature reporting of the outcome of our investigation is but a product of speculation that serves no purpose, expect to confuse the public,” dagdag pa nito.
Nabatid na sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga napaulat na pagkasunog ng ilang poste ng PECO.
Kaugnay nito, tiniyak ng oposuyal na kaagad nilang dedesiyunan ang reklamong ito kontra PECO sa oras na maisumite na sa kanila ang report ng technical team na nagiimbestiga rito.
Magugunita na kamakailan lang ay inireklamo na rin ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang PECO sa Malacanang dahil sa magkakasunod na sunog ng poste nito noong nakaraang buwan.
Ayon kay Trenas, posibleng malagay sa panganib ang 65,000 kabahaan na umaasa sa serbisyo ng PECO dahil sa palpak na power lines nito.