-- Advertisements --

Umapela ng tulong ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Kongreso para makamit ang target na 1 million housing projects ng Marcos Jr. administration sa loob ng isang taon.

Layon nito tugunan ang 6.5 million housing backlog.

Sa pagharap ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar sa budget briefing ng ahensiya kaniyang inihayag na kailangan nila ng tulong ng Kongreso na dagdagan ang kanilang pondo para maipapasok nila ang mga nasabing proyekto ng sa gayon mabigyang ng disenteng tahanan ang mga mahihirap nating kababayan.

Aminado si Acuzar na ang pagtayo ng 1 million housing units sa loob ng isang taon ay isang milagro kaya kailangan ng ahensiya ng tulong.

Ipinagmalaki naman ni Acuzar na sa ngayon wala pang nailuluwal na pondo ang gobyerno subalit mayruon ng 400,000 projects na karamihan ay pinondohan ng private sector.

Sinabi ni Acuzar na marami ng mga negosyante ang nagtitiwala kay Pang. Ferdinand Marcos, dahilan na sila mismo ang nagpatayo ng mga proyektong pabahay kung saan ang market ay ang mga mahihirap na kababayan natin.

Siniguro naman ni Acuzar na kanilang tutugunan ang mga backlog.

Dagdag pa ng kalihim na kapag ang isang LGUs ay magkakaroon ng pabahay.