-- Advertisements --

Binalaan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na kanilang sasampahan ng kaukulang kaso ang sinumang indibidwal na gumagamit ng kanilang rollout ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program sa panloloko.

Ito ay matapos na makarating sa kanilang kaalaman na mayroong mga ilang indidbwal na gumagamit ng nasabing programa para makapanloko sa pamamagitan ng paghingi ng pera.

Hinikayat nila ang publiko na sakaling mayroon silang impormasyon ukol sa nasabing panloloko na agad isumbong sa kanilang opisina.

Pinayuhan din ng opisyal ang mamamayan na dapat ay makipagtransaksyon lamang sila sa mga lokal na pamahalaan at hindi sa mga indibidwal na nagpapanggap na kawani nila.