-- Advertisements --
DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar

Bukas ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga suhestyon para mapagbuti pa ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) program.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, anumang rekomendasyon mula sa mga stakeholders, mga mambabatas, at iba pang mga grupo, sa kung papaano pa maayus ang pabahay progam ng pamahalaan kung saan pangunahing benepisyaryo dito ay ang mga mahihirap.

Nangako rin ang kalihim na ipapasok nila ang mga magagandang rekomendasyon sa kanilang mga nabuong proyekto at panukala.

Sa ilalim ng 4PH, targer ng Kagawaran na tugunan ang pangangailangang pabahay ng mga mahihirap na Pilipinong walang mga bahay.

Sa inisyal na assement, target ng ahesniya na makabuo ng 6.5million units na tuloy-tuloy na nadadagdagan sa paglipas ng panahon.

Sa ilalim nito, pinapayagan ang mga private developers at mga contractos na makibahagi sa construction at planning ng mga pabahay na ihahanay sa proyekto ng ahensiya.