-- Advertisements --

Tahasang pinapaalis na mismo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr ang mga barkong pangisda na China na nasa Julian Felipe Reef.

Kasunod ito sa naging pahayag ng Chinese Foreign Ministry na wala silang balak na magkaroon ng permanenteng presensiya sa lugar.

Dagdag pa ng kalihim na sakaling nangingisda ang mga ito sa lugar ay malamang ubos na ang mga isda doon.

Dinudumihan lamang aniya nila ang tubig dahil sa mahigit 200 mga barkong pangisda ang nasa lugar.

Nauna ng ipinaggigiitan ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ang nasabing lugar ay sakop pa rin ng China.

Nandoon aniya sa lugar ang mga Chinese fishing vessels dahil nagpapatila rin sila ng sama ng panahon.

Magugunitang sinimula na rin ng Pilipinas ang araw-araw na paghahain ng diplomatic protest sa lugar.