Nagsampa ng tatlong kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa ilang kumpanya sa Department of Justice noong Hulyo 23, 2026 na may kabuuang tinatayang tax liability na higit P416 milyon.
Kabilang sa mga kinasuhan sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) Program ang isang POGO-linked firm, isang construction company, at dalawang VAT-registered real estate sellers.
Pinakamalaki ang kaso laban sa Zun Yuan Technology Inc. na may tinatayang P402.74 milyon na hindi nabayarang buwis dahil sa umano’y hindi tamang deklarasyon ng kita mula sa offshore gaming operations.
Kinasuhan din ang AEP Construction na may P6.02 milyon na tax deficiencies at dalawang real estate sellers na may P7.31 milyon na hindi nabayarang buwis.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, patuloy na hahabulin ng ahensya ang mga nagtatangkang umiwas sa pagbabayad ng tamang buwis upang mapanatili ang patas na sistema para sa mga tapat na nagbabayad ng buwis.
















