Walang Filipino sa Iran ang nadapuan ng coronavirus o COVID-19.

Ito mismo ang naging kumpirmasyon ng Department of Foreign Affaris (DFA) kasunod ng paglala ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon pa sa DFA na mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal na nandoon.

Pinayuhan na rin nila nag mga Filipino na nasa Iran na sundin ang mga ipinapatupad na preventive measures gaya ng pag-iwas sa mga tao na may sakit ganun din ang tamang paraan ng pag-ubo.