Nananawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mapayapa at diplomatikong reolusyon kasabay ng pag-marka ng ikalawang anibersaryo ng Russian invasion sa Ukraine.
Sa isang statement na inilabas ng DFA ngayong araw, inihayag ng ahensiya ang pagbibigay diin ng Pilipinas sa pangangailangan para sa isang komprehensibo, makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine alinsunod sa mga prinsipiyo ng United Nations Charter.
Muling inihayag din ng PH ang posisyon nito sa soberaniya ng Ukraine, kasarinlan, pagkakaisa at territorial integrity at pagboto ng pabor sa 6 na resolutions ng UN General Assembly Emergency Special Session on Ukraine.
Inalala din ng gobyerno ng PH ang 1982 Manila Declaration on the Peaceful Settlement of International Disputed na nagpapatibay sa prinsipiyo na lahat ng estado ay dapat na ayusin ang mga dispute sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan.
Base sa pagtaya ng Ukraine government, aabot sa 50,000 sibilyan ang napatay na mula ng sumiklab ang giyera noong Pebrero 24, 2022