-- Advertisements --

Nakahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa paglikas ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) pabalik ng Pilipinas sakaling tumindi pa ang nangyayaring economic crisis ngayon sa Sri Lanka.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ngayon ng sa Consulada ng Pilipinas sa Colombo at Filipino community leaders sa Sri Lanka hinggil sa kalagayan ng mga migrant workers dahil sa nagpapatuloy na economic crisis sa naturang bansa.

Sa ngayon ayon sa DFA, wala pa silang natatanggap na repatriation request mula sa mga Pilipino na nasa Sri Lanka.

Tiniyak naman ng DFA na lahat ng parties kabilang ang Philippine Embassy sa Dhaka at Honorary Consulate sa Colombo ay nakabantay sakaling may mga Filipino worker sa Sri Lanka na magrequest para sa repatriation.

Sa kabila naman ng nararanasang finacial crisis sa Sri Lanka, ibinahagi ng DFa na sa kasalukuyan ay patuloy pa rin namang trabaho ng karamihan ng mga OFWs sa naturang bansa.