-- Advertisements --
image 53

Nakatutok ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-usad ng kaso sa pinaslang na Pinay overseas worker na si Marjorette Garcia sa Saudi Arabia upang matiyak na maisisilbi ang hustisiya.

Ayon kay DFA ASec. Paul Cortes, sisiguraduhin ng kanilang mga abogado sa Saudi Arabia na tatakbo ng maayos ang kaso laban sa suspek at makamit ang hustisya para sa Pinay OFW.

Una ng kinumpirma ng DFA official na isinugod pa sa ospital si Garcia matapos matagpuang duguan dahil sa natamong mga saksak sa katawan na kinalaunan ay binawian ng buhay habang sumasailalim sa treatment.

Naaresto na rin ng Saudi authorities ang suspek na katrabaho ng biktima.

Ayon kay Asec. Cortes ginagawa na ng special prosecutor ng Saudi Arabia ang kaukulang case filing laban sa suspek.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ng nasawing Pinay OFW para sa kinakailangang assistance.