-- Advertisements --
Mayroong grupo na ipinadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Maui, Hawaii para tulungan ang mga distressed Filipino na apektado ng wildfire.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na patuloy ang kanilang ugnayan sa mga opisyal ng Hawaii.
Hindi pa matiyak kung mayroong nadamay bang mga Filipino sa halos 100 katao na nasawi sa wildfire.
Agad aniyang magbibigay ng update ang kanilang grupo na ipinadala pagdating nila sa lugar.