-- Advertisements --
Hindi magsasawa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paghahain ng diplomatic protest kontra China kaugnay sa nangyayaring militarisasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Pagtitiyak ito ni DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr., sa budget briefing ng House appropriations committee sa kanilang 2020 budget.
Bagama’t tila “suntok sa buwan” o malabo aniya ang paghahain ng diplomatic protest kontra China, iginiit ni Locsin na hindi nila ito ihihinto para ipakita na hindi isinusuko ang karapatan ng Pilipinas sa WPS.
Sa ngayon, sinabi ni Locsin na humigit-kumulang 60 diplomatic protest na ang inihain ng Pilipinas kontra China mula noong 2016.
Kaugnay nito, hindi aniya isusuko ng Pilipinas sa China kahit katiting ng teritoryong sakop nito sa WPS.