-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapanatili ng bansa sa Tier 1 status sa paglaban sa human trafficking.

Ito na ang pang-walong magkakasunod na taon na napanatili ng bansa ang status nito.

Sa inilabas na Trafficking In Person (TIP) report ng US Department of State na kinilala nito ang ginagawang hakbang ng PIlipinas kontra sa Human Trafficking.

Sinabi ni DFA Spokesperson Ambassador Teresita DAza, na tuloy-tuloy ang ginagawang kampaniya ng Pilipinas para labanan ang Human trafficking.

Tinitiyak nila na nabibigyan ng hustisya ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso laban sa mga suspek.