Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 578,000 na deactivated overseas voters na magparehistro para sa 2022 election.

Sisimulan kasi ng Commission on Election (COMELEC) ang pagpaprehistro ng Overseas Absentee Voting sa Disyembre 16, 2019 hanggang Setyembre 30, 2021.

Kasama rito na dapat magparehistro ay ang mga immigrants, seafarers at mga estudyanteng mag-aabroad.

Magtungo lamang dapat ang mga ito sa anumang Philippine Embassy, Consulate General, Mission o Manila Economic at Cultural Office (MECO) at ilang Overseas Voter Registration Centers ng COMELEC.