-- Advertisements --

Naghigpit na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagpapalabas ng mga tourist visas sa mga Chinese Nationals.

Kasunod ito sa talamak na pamemeke ng ilang Chinese nationals sa ilang dokumento ng gobyerno.

Ang nasabing mga Chinese nationals ay sangkot sa Philippine offshore gaming operator o POGO.

Sinabi ni DFA Undersecretary for civilian security and consular affairs Jesus Domingo na ang mga kukuha ng tourist visa ay kailangan magpresenta ng kanilang social security documents.

Kailangan din na magpakita ang mga aplikante ng mga government ID, proof of financial capacity, employement certificate at bank statements.