-- Advertisements --

Pinalalakas ng Department of Agriculture ang mga hakbang upang matiyak ang suplay ng pagkain sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at banta ng El Niño.

Ayon kay DA Undersecretary Asis Perez, naghahanda na ang pamahalaan para sa posibleng “worst case scenario” upang maprotektahan ang sektor ng agrikultura.

Aminado ang DA na tataas ang gastos sa produksyon dahil sa mahal na fuel at abono, na maaaring magdulot ng pagbawas sa paggamit ng fertilizer at pagbaba ng ani. Dagdag pa rito, inaasahang tataas ang konsumo sa fuel para sa irrigation dahil sa epekto ng El Niño.

Bilang tugon, naglalabas na ang ahensya ng fuel subsidy, tulong pinansyal sa milyun-milyong magsasaka at mangingisda, at pondo para sa mas murang biofertilizer. Pinag-aaralan din ang paggamit ng alternatibong liquid fertilizer upang mapababa ang gastos.

Kasabay nito, tinitingnan ang pagbibigay-suporta sa sahod ng farm workers upang mapanatili ang produksyon, habang patuloy ang koordinasyon sa ibang ahensya ng gobyerno upang mabawasan ang epekto ng krisis sa pagkain at kabuhayan. (Report by Bombo Jai)