TAGUIG CITY – Inatasan na ni Sec. Alfonso Cusi ang mga kawani ng Department of Energy (DOE) para bumuo ng mga inisyatibo at panuntunan para sa isinusulong nitong development sa geothermal energy para pagkuhanan ng renewable resource ng bansa.
“I would like to issue an order to really look deeply and comprehensively into how we can develop geothermal. I have been really thinking about it, assessing how we are addressing RE (renewable energy),” ani Cusi sa videoconference meeting kasama ang iba pang opisyal ng DOE.
Ayon sa kalihim, makabubuting tangkilikin ang mga resources o mga mapagkukunan ng enerhiya na narito lang sa loob ng bansa. Ang kailangan lang daw para rito ay suporta nang magtuloy-tuloy ang development.
Aminado kasi ang Energy secretary na na magastos at matagal ang development ng geothermal powerplants, sa kabila ng aniya’y magandang epekto at seguridad na hindi mauubusan ng enerhiya ang estado.
Inihalimbawa ni Sec. Cusi ang bansang Vietnam na pinalakas ang development sa kanilang hydro resources.
“They are very strong on hydro and that’s what they are developing. They are giving priority to their hydro. It doesn’t mean that they don’t have the other sources, but they focused on the strength of this particular resource.”
“This is the time to sit down and explore ways to support geothermal, because one installation will easily wipe out the 1,000MW installation of solar. I am for RE that would help improve the energy security of the country.”
Ayon sa DOE, nananatili ang Pilipinas na may pinakamataas na renewable energy mix sa buong Southeast Asia. Noong 2018, 33.2-percent ng kabuuang primary energy supply ng bansa ang kinikuha sa RE.
Ang numerong ito ay 10-porsyento na raw na lagpas mula sa regional target na itinakda sa ilalim ng ASEAN Plan of Action on Energy Coooperation. Nakasaad kasi dito na pagdating ng taong 2025 ay dapat na nasa 23-percent na ang renewable energy component sa kabuuang ASEAN primary energy mix.
Kinukuha ang geothermal energy sa pamamagitan ng pagsasala sa init na nanggagaling sa sub-surface ng planeta.