-- Advertisements --

Itinutulak ngayon sa Senado ni Sen. Panfilo Lacson ang pagsasabatas ng Designated Survivor Bill.

Layunin nitong matiyak na may maayos na hahalili sa pwesto sa oras na may hindi inaasahang mangyari sa sinumang nanunungkulan sa bansa.

Una rito, ikinalungkot ng senador ang pag-atras ng kaparehong bill sa panig ng Kamara, dahil sa ilang rason.

Giit ng mambabatas, ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 982 ay makakatulong para maiwasan ang posibleng problema sa paglilipat ng kapangyarihan para sa mga biglaang sitwasyon, kagaya ng pagkamatay, pagkakaroon ng malubhang sakit at kawalan ng kakayahan ng isang leader para mamuno.

“Passing such legislation is not only constitutional. It is in fact, required under the 1987 Constitution,” wika ni Lacson.