Ellen deny pa more 3

Nananatiling “guessing game” sa mga fans nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang katotohanan hinggil sa usap-usapan na nag-level up na sa romantic relationship ang kanilang pagiging mag-kapitbahay lamang dati.

Ito’y kahit tila nakumpirma na umano ito ng 32-year-old actress matapos i-repost ang picture mula sa kaibigan ng 44-year-old actor na nagsasabing in-love sa kanya si Derek.

Sa naturang larawan at maiksing video, makikitang sabay na nagwi-work out ang rumored couple at may eksena pa na nakapaibabaw si Derek sa tila boxing scenario nila ni Ellen.

Ellen deny pa more 4

Hindi naman kasama sa ni-repost ni Adarna ang larawan ng entrepreneur na si Gerry Santos na nagsabing “happy for both of you!” kalakip ang heart at hug emojis.

Nabatid na bago pa man ang love month ay nag-bonding na sila sa pamamagitan ng beach getaway, na nasundan pa mismo ng magkasama nilang pagdiriwang ng Valentine’s Day kasama ang two year old son kay John Lloyd Cruz.

-- Advertisement --

Kamakailan lang nang maging kontrobersyal si Ramsay matapos ang paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Torres at na-link sa singer na si Pops Fernandez na mas matanda sa kanya.

Sa panig naman ni Adarna, kabilang sa kanyang mga nakarelasyon bukod kay Lloydie ay ang presidential son na si Baste Duterte.