-- Advertisements --

Itinanggi ni House Deputy Speaker Ronnie Puno na siya na ang susunod na Speaker of the House of Representantives.

Ito ay taliwas sa ilang kumakalat na impormasyon na siya ang napupusuan ng ilang mambabatas na susunod na magiging lider ng Kamara.

Sa isang panayam, natanong si Puno ukol sa mga naturang impormasyon at ang tuloy-tuloy na pagkalat ng mga ito, lalo na sa mababang kapulungan.

Sagot ni Puno, hindi niya batid ang dahilan ng pagkalat nito, at sa halip ay tuloy-tuloy lang ang kaniyang pagtatrabaho bilang kinatawan ng Antipolo.

Maliban dito, sinabi rin ni Puno na kuntento siya bilang chairman ng National Unity Party at patuloy niya itong ginagampanan sa tulong ng suporta ng mga kapwa mambabatas.

Sinabi pa ni Puno na hindi na siya naghahangad pa ng dagdag na trabaho at kuntento siya sa kasalukuyang posisyon. (Report by Bombo Jai)